Sa pahinang ito:
Gaano kalaking enerhiya ang aking ginagamit?
Magkano ang sinisingil sa akin?
Magkano ang kailangan kong bayaran?
Makakatipid ba ako sa paglipat sa Pinakamagaling na Alok ng aking retailer?
Mayroon akong health care card, pero tumatanggap ba ako ng mga konsesyon sa aking enerhiya?
Nahihirapan akong magbayad ng aking bill, anong tulong ang makukuha?
Ang iyong retailer ng enerhiya ang nagbibigay sa iyo ng iyong energy bill. Ang iyong energy bill ay may mahalagang impormasyon sa kasalukuyan mong plano sa enerhiya kabilang ang presyong binabayad mo para sa enerhiya at ang laki ng enerhiyang ginagamit mo. Kailangan ding ipakita sa iyo ng mga retailer ng enerhiya ang kanilang Pinakamagaling na Alok at kung magkano ang maaari mong matipid sa pamamagitan ng paglipat sa ibang alok.
Kabilang sa iyong energy bill ang iyong pang-araw-araw na paggamit, na nagsasabi sa iyo ng karaniwang dami ng mga yunit ng enerhiya na iyong ginagamit buwan-buwan kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Nagsasabi ito sa iyo kung tumaas o bumaba ang laki ng enerhiya na iyong ginagamit. Ang laki ng enerhiyang iyong ginagamit ay sinusukat sa kWh para sa kuryente at MJ para sa gas.
Isasali sa iyong energy bill ang impormasyon tungkol sa presyo ng binabayad mo para sa enerhiya batay sa iyong plano sa enerhiya; ang mga ito ay tinatawag na mga singil. Ang billing period ay magsasabi sa iyo kung gaano kadalas ka padadalhan ng bill para sa enerhiya na iyong ginamit.
Karamihan sa mga bill ay may dalawang uri ng mga singil:
Ang halagang kailangan mong bayaran ay nakalista sa iyong bill. Ang halaga ay kinakalkula batay sa:
Kailangang ipakita sa iyo ng mga retailer ng enerhiya ang kanilang Pinakamagaling na Alok at magkano ang maaari mong matipid sa paglipat sa ibang alok. Hanapin ang box sa harapan ng iyong energy bill na nagsasabi sa iyo kung nakatipid ka ng pera sa pamamagitan ng paglipat sa pinakamagaling na alok ng iyong retailer. Kung gusto mong lumipat sa pinakamagaling na alok ng iyong retailer, tawagan mo ang iyong retailer at hilinging ilagay ka sa kanilang pinakamagaling na alok.
Maaari kang makatipid nang higit pa sa paglipat sa ibang retailer. Upang tiyaking makukuha mo ang iyong pinakamagaling na alok, maaari kang magkumpara ng mga alok gamit ang aming serbisyo ng pagkumpara. Alamin ang higit pa sa pamamagitan ng pagbisita sa aming Paano magkumpara ng mga alok sa Victorian Energy Compare page.
Kung ikaw ay may hawak na concession card, ang iyong mga konsesyon sa enerhiya ay ililista sa iyong bill. Ang pinakamahusay na paraan upang tiyaking nakakakuha ka ng iyong konsesyon sa enerhiya ay ang pagtawag sa iyong retailer ng enerhiya at hilinging tingnan nila kung inilalapat ang iyong konsesyon sa enerhiya sa iyong energy bill. Maaari mo ring tingnan ang iba pang tulong na maaaring marapat ka sa pamamagitan ng pagbisita sa Online na pangkalkula sa pagiging marapat sa konsesyon ng Pamahalaang Victoria.
Kung ikaw ay nahihirapang magbayad ng iyong energy bill, may mga tuntunin na nangangahulugang dapat ipabatid sa iyo ng iyong retailer ang mga tulong na makukuha.
Dapat mo munang kontakin ang iyong retailer at hilinging makipag-usap sa kanilang Hardship Team (Pangkat sa Kahirapan). Matatalakay ng pangkat na ito ang iyong mga opsyon sa tulong, gaya ng pagbabayad ng mas maliliit na halaga nang mas madalas o pagpapaliban ng pagbabayad ng bill. Ikaw ay maaari ring maging marapat para sa Utility Relief Grant. Sa Sistema ng Utility Relief Grant, ikaw ay maaaring makakuha ng hanggang $650 para sa kuryente at $650 para sa gas tuwing dalawang taon upang makatulong sa pagbabayad ng mga bill na hindi pa nababayaran.
Sinumang may umiiral na planong tulong sa pagbabayad ay hindi madidiskonekta o hindi hahabulin dahil sa utang – kaya mahalaga na magsabi ka sa iyong kumpanya kung ikaw ay nahihirapang magbayad ng iyong mga bill.